"aNg pOgi kOH"

"aNg pOgi kOH"
wew

Saturday, February 26, 2011

“TALAMBUHAY NI NORLAN DAZO” (ang batang taga-WAWA)

      Noong ika-3 ng Marso taong 1995, alas-sais ng hapon, isinilang ang isang sanggol na lalaki na pinangalanang Norlan Dazo(at ako iyon). Ako ay bunga ng pagmamahalan nina Nora Dazo(ang aking Ina) at Antonio Dazo(ang aking Ama).

 Mayroon akong mga kapatid, tatlong lalaki at ang nag iisa kong ate. Sila ay sina Allan Dazo(panganay), Antonio Dazo Jr.(kuya Jun), Norman Dazo(ang pangatlo kong kuya) at si Nerissa Dazo(ang aking ate). Ito ang aking simpleng pamilya na nakatira lamang sa simpleng bahay ngunit masaya. Kami ay nakatira sa Mercury Street A.D.B subdivision, Brgy. Del Remedio(WAWA) San Pablo City.

      Buwan ng Abril taong 1995 (1 month old pa lang ako) ang araw ng aking pagkabinyag. Pasko ng Pagkabuhay noon nang ako ay binyagan sa Nuestra Señora De Los Remedios Parish Church.

      Noong walong buwan pa lang ako, ang tatay ko ay nagmamaneho lang ng dyip para kumita at ang nanay ko naman ay may karinderya sa tapat ng LSPC o Trade(LSPU ngayon). Madalas akong kasama ng nanay ko sa pagtitinda dahil ang aking mga kapatid ay nag aaral pa at walang mag aalaga sa akin.Si kuya Allan ay nasa kolehiyo na at si kuya Jun ay nasa hayskul na.Sina kuya Oman at si Ate Ineng (Nerissa) naman ay nasa elementarya pa lang.Paminsan minsan ay hinahabilin ako ng nanay ko sa bahay ng aking lolo at lola malapit sa aming karinderya para makapagtinda ng ayos ang aking ina. Si Elpidio Dazo ay ang aking lolo na mas kilala sa pangalang Mamay Udyong. Ang aking lola naman ay nagngangalang Josefina Dazo o mas kilala sa pangalang Nanay Pining.Sila ang mga magulang ng aking ama. Ang aking ama naman ang panganay sa tatlong magkakapatid. Sila ay may tindahan din sa tapat ng LSPC. Ang mga magulang naman ng aking ina ay sina Sixto Aquilo(aking lolo na namayapa na nung 6 na taon pa lang ang aking ina) at Rufina Aquilo(aking lola). Ang aking lola na ito ay tinatawag kong “Nanay Layo” dahil nakatira sila sa Sto. Niño na malayo sa amin. Ang aking ina ang bunso sa 10 magkakapatid.

      Marso 3, 1996, ang aking unang kaarawan na ginanap sa aming bahay.Ako ay nakasuot ng costume na Spider Man( aking paboritong superhero noon) at ang aking keyk ay gawa rin sa disenyo nito.Marami akong natanggap na regalo noon.

      Limang taon pa lang ako ay pinapasok na ako ng nanay ko sa paaralang “Brgy. Del Remedio Central School” ng kinder. Ito ang paaralang pinasukan din ng aking mga kapatid. Naiiba ako sa mga  kaklase ko noon dahil hindi ako naiyak kapag iniiwanan ako ni inay sa iskul.

      Anim na taon na ako nang makatapos ng kinder. At ang aking sinasabi noon ay “I want to be a policeman”.

      Naging abay din ako sa kasal ng kuya noon. Siya ay kinasal kay Maria Leonora Cuevas( Ate Bolang). Biniyayaan sila ng anak noong 2003 na nagngangalang Mark Allen C. Dazo( aking unang pamangkin).

      At pagkatapos noon ay ika-7 kaarawan ko na. Ginanap ang simpleng handaang ito sa tapat ng aming terrace. Marami ulit ang nagsidalo sa aking kaarawan kaya marami akong natanggap na regalo.

      Nagpatuloy ang aking pag aaral. Ako ay kabilang sa pinakamataas na seksyon roon( section A).Nakakatuwang isipin pero halinhinan ang pagkakaroon ko ng honors. Grade 1 , 3 at 5 ay kabilang akos a honors. Nalungkot ang nanay ko dahil kung kalian pa Grade 6 ay hindi ako nagging honor.

      Marami pa akong naging karanasan sa elementarya. Kasama na rito ang pakikipag away sa labas ng iskul. Madalas magkayabangan sa amin ang mga estudyante at madalas din akong masangkot noon. Naging uso rin doon ang mga laro tulad ng sipa,sikyo,Chinese garter, text,golen, pogs at iba pa. Pinagmumulan din ng away ang mga ito kapag nagkakagulangan na. Tinitipid ko ang baon kong 20 pesos sa maghapon para lamang makapaglaro ng videogames kasama ng aking mga kaklase. Gumagastos lamang ako ng 5 piso para sa recess at nauwi lang ako samin ng tanghalian. Hindi rin ako nadalo sa mga Mtap regular kahit bayad sa dahilang ako ay tinatamad. Hindi rin mawawala sa pagiging elementarya ko ang pagkakaroon g crush.

      Noong Grade 6 ako ay nag try out ako ng chess sa aming iskul. Si Kuya Jun ang nagturo sa akin kung paano maglaro nito. Maswerte ako dahil ako ang napiling ipanlaban sa district meet. Sa paglaban sa District meet ay nakamit ko ang 2nd place. Nakilala ko rin ang coach naming na si Sir Reggie at ang aking mga ka team mates na si Paul Rey Royo at si Joy Fandiño. Para sa aming paghahanda  sa Division meet ay nagpapraktis kami sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School( Annex V noon). Nung lumaban na kami ng Division meet ay nakamit ko ang 3rd place at nagkaroon pa ako ng medal.

      Enero 2007 noon, malapit na kaming magtapos. Nagkaroon ng eleksyon ng mga estudyante sa aming paaralan. Nagkalat ang mga papel na may larawan ng mga kakandidatong estudyante. Ang iba naman ay nakadikit sa mga silid aralan. Isang kaklase ko ang nagngangalang Ysmael ang sumubok na burahin ang larawan ng kandidato sa pamamagitan ng pagkuskos sa mga ito gamit ang daliri na may kasamang konting laway. Niyaya niya ako kasama na rin si Manuel na lumibot sa iskul upang magbura ng picture para sa sariling katuwaan. Isang kandidato lamang ang napagdiskitahan naming burahin ang mukha. At dahil doon natakot ang nanay nito at nagsumbong sa principal. May nakapagturo sa mga guro na kami ang nagbura .Agad kaming pinatawag sa principal’s office. Upang hindi na malaman ng nanay ko, si Merle Dazo( aking titan a guro doon) ang nakipag usap sa principal. Hindi sana kami makakagraduate dahil sa aming ginawa pero buti na lang at binigyan pa kami ng pagkakataon para magbago.

      Araw na ng Graduation ay kasama ko ang nanay ko. Hindi ko akalain na mapapaiyak ako noon dahil magkakahiwa-hiwalay na kami. At tsaka na rin siguro na mamimiss ko ang aking one and only crush noon na si Maria Theresa Estrellanes.

      Noong bakasyon ay hindi ko pa alam kung saan ako papasok ng hayskul dahil hindi ako natanggap sa LSPU sa pagkakaroon ng 79 sa card. Si Lorna Umali( ninang ng aking ate ) ay nagrekumenda sa akin na pumasok sa Dizon High kung saan  pumasok si kuya Oman nung Hayskul.

       Pero bago ako tumungtong ng hayskul ay naging sakristan muna ako nung bakasyon. Kasma ko sina Joseph Dazo( aking pinsan), Carlo Versano(si Baloy) at si Francis Maghirang ( si Pboy). Sila ang aking mga kababata. Masaya ang pagiging sakristan dahil maraming activities na ginaganap tulad ng  Christmas party, Haloween party, mga swimming, Visita Iglesia at iba pa. Sa pagiging sakristan ay kailangan mong gawin ang naka atas sayong responsibilidad. Tulad ng pagseserve o pagtulong sa pari at ang pagsama sa mahabang prusisyon.Ngunit di rin nagtagal ay nagquit na rin ako dahil kailangan kong magpokus sa pag aaral.

      Hayskul na ko, magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ang pagiging hayskul at nananabik ako dahil magkakaroon ako ng mga bagong kaklase at kaibigan.Doon din pumasok sina John Reyniel, Paulynne at Mary Grace na kaklase ko nung elementarya. Magkakahiwalay kami ng seksyon. Ako ay napasama sa seksyon A. Nakilala ko ang aming adviser na si Mrs. Juliano. Unang araw pa lang ay may nakilala na agad ako. Ito ay si Edrian Barola( ang aking naging besprend noon). Madalas kaming magtulungan sa takdang aralin at proyekto. Naglalaro din kami ng Counterstrike pagkatapos ng klase kasama ang iba pa naming kaklase. Hindi ko rin malilimutan ng hinubuan ako ni Levi(kaklase ko sa I-A) sa gitna ng oval. Napahiya ako noon kaya umiyak na lang ako. Nakilala ko rin si Krislyn Joy Cacao, ang pinaka-kaclose kong kaklaseng babae noon dahil sa pagiging mabait niya. Naroon din si Roi Vincent Guia na mukhang mayabang ngunit mabait naman. Si Mrs. Montaña ang aming guro sa Math na siyang adviser ng I-science( pinakamataas na seksyon). Nakitaan ako ni Mam Montaña ng husay sa Math kaya naisip niya na isali ako sa pagpipilian niya na ipapanlaban. Kasam rin sa pagpipilian niya si Edelito Guerra( isa pang mahusay sa Math ngunit tamad). Hindi ko akalaing mapipili ako kaya nagdesisyon si Mam na ilipat ako sa I-Science. Hindi ako makapagdesisyon dahil ang nasa isip ko ay mahirap ang maging science.

      Bago pa ako lumipat ay may kilala na ako sa Science at iyon ay si Joy Fandiño na ka team mate ko sa chess . Kilala ko na rin si Ladilyn Abrigo dahil madalas siyang ituro sa akin ni Roi. 3rd grading ay lumipat na ako sa I-Science dahil gusto kong mapabuti ang aking pag-aaral. Ginusto ko ring lumipat dahil naroon ang first crush ko ng hayskul na si Ladilyn Abrigo.Laking tuwa ko nung naging kaklase ko na sya.Ang akala ko noon ay makakapanligaw ako sa kanya  ngunit nalaman kong bawal pa pala syang magboypren.

      May mga bago akong kabarkada at iyon sina Ivan Alvaran(small but terrible), Arjay Latoza(gwapo ngunit bulok dumiskarte sa chiks),Earl William Mikhail Flores(madalas tumawa sa mga joke kong corny),Kevin Militante(madiskarte sa babae),Paul John Dorado(magaling magdota),Leo Valdez(madalas naming asarin),Wilbert Vergara(mataba at maasim) Kim Ramos( mahilig mag-gitara),Shidrex Gonzales(mahusay sa Math),Vladimir Calanasan(malaki ngunit maliit ang boses),Edward James Atienza(Iglesiang masayahin) at si Mikko De Castro( pinakamatangkad sa amin).

      Pinagreview na kami ni Mam Montaña nang Math para sa laban.Naging 4th lang kame sa written ng Mtap at ang kapartner ko ay si Shidrex.Habang nalaban kami ng oral ay hindi makapagconcentrate si Shidrex dahil naiihi na sya. Uminom kasi sya ng buko juice bago ang laban.Kaya nakamit lang naming ang 4th place sa Oral.

      Pagdating ng Recognition ay hindi ko akalaing makakasama ako sa honors. Ako ay pangwalo at naging Best in Math pa ako dahil lamang ako ng 0.01 kay Shidrex sa Math.

      Second year na ako, nananabik ulit akong makita ang mga mukha ng aking mga kaklase lalo na ng aking crush. Inaasaahn naming na may bago kaming kaklase o kabarkada ngunit sa halip na madagdagan kami ay nabawasan pa dahil lumipat na ng eskwelahan si Kim. Pero kahit nabawasan kami ay tuloy pa rin ang saya. Ang naging adviser naming ay si Ms. San Pedro na isang Biology teacher. Madalas syang magpa-contest sa subject nya at kami ay may kanya kanyang team. Ako ay kasama sa “Black Team” na kinabibilangan nina Mikko, Edward, Arjay at Kevin. Madalas kaming makulelat sa score ngunit nanalo naman kame kahit isang beses.Naging memorable din sa akin nung makapartner ko si Ladilyn sa Cariñosa sa MAPEH,at sobrang kinilig talaga ko noon.Pagdating naman sa Math ay naging mas mahusay na si Vladimir kay Shidrex kaya siya na ang kapartner ko. Nakuha naming ang 3rd place na may kasamang medal at cash prize. Dito ko unang naramdaman na masarap pa lang lumaban ng contest lalo na kapag may perang nakalaan.

      Buwan ng Enero taong 2009 ay nagkaroon kami ng field trip. Kakaunti lamang ang nakasama dahil kapos ang marami sa pambayad. Sobrang excited na ako dahil unang beses ko pa lang na makakasama ng filed trip. Hindi man nakasama si Ladilyn ay masaya pa rin ako dahil kasama naman si Piwie Rejuso,kaklase kong cute at makulit. Naging masaya ang field trip ko noon dahil sa kanya.

      Ngunit hindi ako naging mapalad noong 2nd year dahil hindi ako napabilang sa top 10. Pero kahit ganun ay handa naman akong bumawi sa susunod na pasukan.

      Pagdating naming ng 3rd year ay nagkaroon kami ng bagong kaklase, si Michelle Linatoc na dating III-Science ngunit nag repeater sa pagiging 3rd year. Nabawasan na naman ng lalaki sa amin.napalipat si Leo Valdez dahil madalas syang magcutting classes noong 2nd year at nagkaroon ng mababang marka. Ang aming adviser ay si Mrs. Quides na teacher ng geometry.Nadagdagan ng saya ang aking hayskul layf nang magkaroon kami nang bagong mga gurong kasiya siyang magturo katulad na lamang ni Sir Legaspi, ang guro naming sa Chemistry.Teacher din naming si Mam Cuasay na mukhang mataray ngunit mabait naman at si Mr.Sinen, isang mahusay na guro sa Biotech. Nakalulungkot mang isipin pero kailangan niya nang lumipat sa Science High School para maging principal. Nagkaroon na kami ng subject na Research. At dahil 3rd year na kami ay kasali na kami sa tinatawag na JS Prom. Excited na ang mga kaklase ko pati na rin ako. Maisasayaw ko na ang aking crush. Lumaban na naman kami nina Vj at Shidrex ng MTAP at naging 2nd place kami sa Oral. Madami ring naging awayan lalo na kapag nagalit si Jorgina Farouk. Sumapit na ulit ang Recognition ay napasama na ulit ako sa top 10 at ako ay pangwalo.

      Bakasyon na ulit at kailangan na naming simulan ang paggagawa ng Research project ngunit hindi naming nagawa. At dahil doon , pagtungtong naming ng 4th year ay naging mahirap para sa amin ang Research.

      Marami akong naging magandang karanasan ngayong 4th year. Kumuha ko ng UPCAT sa Los  Baños at sa awa naman ng Diyos ay nakapasa naman ako.Nagkaroon ulit kami ng field trip. Sa bus pa lang ay masaya na dahil kasama naming ang mga makukulit na 4-I at 4-F. Pagdating naman sa MOA ay dalawa na lang kami ni Mikko na magkasama. Dahil sa lawak ng MOA ay mukang naliligaw na kami pero buti na lang ay nakita kami nina Ladilyn, Danica at Piwie. Kaming lima na ang magkakasamang naggala at kumain. Pinangalan naming ang grupong ito na “Trippers”. Noong Mini-Olympics naman ay naging 2nd runner up kami sa cheerdance sa tulong ni ate Layrin.

      Nobyembre 21, 2010 ay kumuha kami ng test ng DOST sa may LSPU. Nakita ko ang isang magandang dalaga at ito pala ay pinsan ni Vladimir.Siya ay si Karen Candace Calanasan na nag-aaral sa Science High School. Naging friend ko na sya sa facebook at hindi rin nagtagal ay naging magkaibigan na kame. Madalas kaming magkausap sa telepono. At dahil sa pagiging close naming ay maraming nag aakala na  magsyota kami.

      Pebrero 13 na at lalaban na kami na kami ng MTAP.Ginawa na naming ang lahat ngunit hindi pa rin namin natalo ang Science High School. Kami ay naging 2nd place na naman. At pagkatapos ng laban ay JS na. Ang JS naming ay ginanap sa central gym kung saan ginanap ang laban naming ng MTAP. Nakasuot ng pang Hawaiian ang mga dadalo dahil Hawaiian Style ang tema ng nasabing pagdiriwang. Si Mam Montaña ang aking naging 1st dance at si Ladilyn naman ang aking last dance.

      Pagkalipas ng ilang araw ay Birthday na ni Karen. Kaarawan niya kasi ng February 16. Naisip kong regaluhan siya ng stufftoy na spongebob at sa tingin ko ay nagustuhan naman niya. Noong February 19 ay sabay kaming kumuha ng test sa LC.

      Sa ngayon, ito pa lang ang mga nangyari sa aking buhay at sa palagay ko’y marami pang pagsubok ang aking haharapin. Marami pang kabanata ng buhay ni Norlan Dazo ang kapana-panabik.Abangan.




No comments:

Post a Comment

Post a Comment