"aNg pOgi kOH"

"aNg pOgi kOH"
wew

Saturday, February 12, 2011

DIZONIANS BATTLE

Taong 2045 ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ang grandstand ay napinturahan na ng iba't ibang matitingkad na kulay at mas pinataas pa ito. Ang oval naman ay nilagyan na ng bubong at ito ang nagsilbing gym para sa mga estudyante roon. Nagkaroon na rin ng mga karagdagang silid-aralan para sa 5th year.

Isang estudaynte ang nagngangalang Norman Deyzo ang nag aaral sa paaralang iyon. Siya ay isang simpleng tao, di kagwapuhan ngunit matinik sa chiks dahil na rin siguro sa pagiging mahusay nya sa Math. Nasa ika-apat na taon na siya ng hayskul pero ni minsan ay hindi nya sineryoso ang pag-ibig. Madami syang pinopormahang babae ngunit wala syang mapasagot sa mga ito.

Marami syang kaibigan sa paaralan. Ito ay sina Michael, Eddie, Cedrix, Jay at Vanz. Sa buong paaralan, kakaunti lamang silang magkakakaklase dahil sila ay nabibilang sa mataas na seksyon.

Kahit na magaling syang dumiskarte sa babae ay hindi nya magawang manligaw o pumorma kay Karelyn. Si Karelyn ay isa sa mga kaklase nyang babae. Maspag mag-aral si Karelyn kaya napapabilang sya sa mga honor students.At bukod sa matalino sya, natatngi rin ang kanyang ganda. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil bihira lang ang "matalino na, maganda pa".

Samantala, sa kalangitan, ay tinipon ng Diyos ang kanyang mga anghel upang pag-usapan ang nais nyang proyekto. Gusto nyang magkaroon ng paligsahan para sa mga higschool students. Ang bawat isang anghel ay pipili ng kanyang magiging representante mula sa mga estudyante para sa paligsahan. Simple lang ang patakaran ng laro, ang bawat estudyante na kalahok ay bibigyan ng pansamantalang kapangyarihan at sa mga matatalo sa bawat laban ay eliminated na. Magpapatuloy ang laban hanggang sa maging dalawa na lang ang kalahok.Ang mananalo sa paligsahan na ito ay mabibiyayaan ng isang hiling.

Si Norman Deyzo ay isa sa mga napili para sa paligsahan na ito. Binigyan sya ng pansamantalang kapangyarihan na gagamitin nya sa laban. Nagagawa nya nang gawing bolang apoy ang kanyang mga scratch paper sa Math. Si Michael naman ay may abilidad na gawing dinamita ang chalk. Ang kapangyarihan naman ni Eddie ay gawing meteorite ang isang bato. Marami pang naiibang abilidad ang naibigay sa mga piling magaaral.Kasali rin ang ibang paaralan sa nasabing paligsahan.

Tatlong araw bago magsimula ang labanan ay nagkaroon ng aksidente kabilang si Norman at Karelyn. Sila ay nahulog  sa patibong kung saan pumunta sila sa kakaibang dimensyon. Mahirap makalabas sa dimensyong ito dahil ito isang napakalaking labyrinth. Lumipas ang isang buwan ay naging matatag pa rin ang dalawa. Dito na rin nasubok ang kanilang pagmamahalan. Habang sila ay naroon, nakikipaglaban na ang kanilang mga kaklase.

Tatlong araw ang nakalipas ay nakalabas na rin ang dalawa. Nakita nila na wasak wasak na ang Dizon High. Nakita rin nila ang nag iisa nang kalahok na syang tumalo sa kanyang mga kaklase.Naging kabado si Norman dahil ito ang unang beses nyang pakikipaglaban. Bugbog sarado na sya ngunit hindi pa rin sya sumusuko. Sa katunayan, isa rin sa mga napili si Karelyn, pero hindi nya alam gamitin ang kanyang kapangyarihan. Siya ay may abilidad na gawing  metal spikes ang damo. Pero dahil matalino sya , ginawa nyang metal spikes ang damo sa oval kung saan nakatayo ang kalaban. Hindi na nakabangon ang kalaban kaya nanalo ang dalawa.

At dahil sila ang nagwagi, mabibiyayaan sila ng isang hiling. Hiniling ng dalawa na maibalik sa dating ganda ang kanilang paaralan, ang Dizon High.

No comments:

Post a Comment