"aNg pOgi kOH"

"aNg pOgi kOH"
wew

Saturday, February 26, 2011

“TALAMBUHAY NI NORLAN DAZO” (ang batang taga-WAWA)

      Noong ika-3 ng Marso taong 1995, alas-sais ng hapon, isinilang ang isang sanggol na lalaki na pinangalanang Norlan Dazo(at ako iyon). Ako ay bunga ng pagmamahalan nina Nora Dazo(ang aking Ina) at Antonio Dazo(ang aking Ama).

 Mayroon akong mga kapatid, tatlong lalaki at ang nag iisa kong ate. Sila ay sina Allan Dazo(panganay), Antonio Dazo Jr.(kuya Jun), Norman Dazo(ang pangatlo kong kuya) at si Nerissa Dazo(ang aking ate). Ito ang aking simpleng pamilya na nakatira lamang sa simpleng bahay ngunit masaya. Kami ay nakatira sa Mercury Street A.D.B subdivision, Brgy. Del Remedio(WAWA) San Pablo City.

      Buwan ng Abril taong 1995 (1 month old pa lang ako) ang araw ng aking pagkabinyag. Pasko ng Pagkabuhay noon nang ako ay binyagan sa Nuestra Señora De Los Remedios Parish Church.

      Noong walong buwan pa lang ako, ang tatay ko ay nagmamaneho lang ng dyip para kumita at ang nanay ko naman ay may karinderya sa tapat ng LSPC o Trade(LSPU ngayon). Madalas akong kasama ng nanay ko sa pagtitinda dahil ang aking mga kapatid ay nag aaral pa at walang mag aalaga sa akin.Si kuya Allan ay nasa kolehiyo na at si kuya Jun ay nasa hayskul na.Sina kuya Oman at si Ate Ineng (Nerissa) naman ay nasa elementarya pa lang.Paminsan minsan ay hinahabilin ako ng nanay ko sa bahay ng aking lolo at lola malapit sa aming karinderya para makapagtinda ng ayos ang aking ina. Si Elpidio Dazo ay ang aking lolo na mas kilala sa pangalang Mamay Udyong. Ang aking lola naman ay nagngangalang Josefina Dazo o mas kilala sa pangalang Nanay Pining.Sila ang mga magulang ng aking ama. Ang aking ama naman ang panganay sa tatlong magkakapatid. Sila ay may tindahan din sa tapat ng LSPC. Ang mga magulang naman ng aking ina ay sina Sixto Aquilo(aking lolo na namayapa na nung 6 na taon pa lang ang aking ina) at Rufina Aquilo(aking lola). Ang aking lola na ito ay tinatawag kong “Nanay Layo” dahil nakatira sila sa Sto. Niño na malayo sa amin. Ang aking ina ang bunso sa 10 magkakapatid.

      Marso 3, 1996, ang aking unang kaarawan na ginanap sa aming bahay.Ako ay nakasuot ng costume na Spider Man( aking paboritong superhero noon) at ang aking keyk ay gawa rin sa disenyo nito.Marami akong natanggap na regalo noon.

      Limang taon pa lang ako ay pinapasok na ako ng nanay ko sa paaralang “Brgy. Del Remedio Central School” ng kinder. Ito ang paaralang pinasukan din ng aking mga kapatid. Naiiba ako sa mga  kaklase ko noon dahil hindi ako naiyak kapag iniiwanan ako ni inay sa iskul.

      Anim na taon na ako nang makatapos ng kinder. At ang aking sinasabi noon ay “I want to be a policeman”.

      Naging abay din ako sa kasal ng kuya noon. Siya ay kinasal kay Maria Leonora Cuevas( Ate Bolang). Biniyayaan sila ng anak noong 2003 na nagngangalang Mark Allen C. Dazo( aking unang pamangkin).

      At pagkatapos noon ay ika-7 kaarawan ko na. Ginanap ang simpleng handaang ito sa tapat ng aming terrace. Marami ulit ang nagsidalo sa aking kaarawan kaya marami akong natanggap na regalo.

      Nagpatuloy ang aking pag aaral. Ako ay kabilang sa pinakamataas na seksyon roon( section A).Nakakatuwang isipin pero halinhinan ang pagkakaroon ko ng honors. Grade 1 , 3 at 5 ay kabilang akos a honors. Nalungkot ang nanay ko dahil kung kalian pa Grade 6 ay hindi ako nagging honor.

      Marami pa akong naging karanasan sa elementarya. Kasama na rito ang pakikipag away sa labas ng iskul. Madalas magkayabangan sa amin ang mga estudyante at madalas din akong masangkot noon. Naging uso rin doon ang mga laro tulad ng sipa,sikyo,Chinese garter, text,golen, pogs at iba pa. Pinagmumulan din ng away ang mga ito kapag nagkakagulangan na. Tinitipid ko ang baon kong 20 pesos sa maghapon para lamang makapaglaro ng videogames kasama ng aking mga kaklase. Gumagastos lamang ako ng 5 piso para sa recess at nauwi lang ako samin ng tanghalian. Hindi rin ako nadalo sa mga Mtap regular kahit bayad sa dahilang ako ay tinatamad. Hindi rin mawawala sa pagiging elementarya ko ang pagkakaroon g crush.

      Noong Grade 6 ako ay nag try out ako ng chess sa aming iskul. Si Kuya Jun ang nagturo sa akin kung paano maglaro nito. Maswerte ako dahil ako ang napiling ipanlaban sa district meet. Sa paglaban sa District meet ay nakamit ko ang 2nd place. Nakilala ko rin ang coach naming na si Sir Reggie at ang aking mga ka team mates na si Paul Rey Royo at si Joy Fandiño. Para sa aming paghahanda  sa Division meet ay nagpapraktis kami sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School( Annex V noon). Nung lumaban na kami ng Division meet ay nakamit ko ang 3rd place at nagkaroon pa ako ng medal.

      Enero 2007 noon, malapit na kaming magtapos. Nagkaroon ng eleksyon ng mga estudyante sa aming paaralan. Nagkalat ang mga papel na may larawan ng mga kakandidatong estudyante. Ang iba naman ay nakadikit sa mga silid aralan. Isang kaklase ko ang nagngangalang Ysmael ang sumubok na burahin ang larawan ng kandidato sa pamamagitan ng pagkuskos sa mga ito gamit ang daliri na may kasamang konting laway. Niyaya niya ako kasama na rin si Manuel na lumibot sa iskul upang magbura ng picture para sa sariling katuwaan. Isang kandidato lamang ang napagdiskitahan naming burahin ang mukha. At dahil doon natakot ang nanay nito at nagsumbong sa principal. May nakapagturo sa mga guro na kami ang nagbura .Agad kaming pinatawag sa principal’s office. Upang hindi na malaman ng nanay ko, si Merle Dazo( aking titan a guro doon) ang nakipag usap sa principal. Hindi sana kami makakagraduate dahil sa aming ginawa pero buti na lang at binigyan pa kami ng pagkakataon para magbago.

      Araw na ng Graduation ay kasama ko ang nanay ko. Hindi ko akalain na mapapaiyak ako noon dahil magkakahiwa-hiwalay na kami. At tsaka na rin siguro na mamimiss ko ang aking one and only crush noon na si Maria Theresa Estrellanes.

      Noong bakasyon ay hindi ko pa alam kung saan ako papasok ng hayskul dahil hindi ako natanggap sa LSPU sa pagkakaroon ng 79 sa card. Si Lorna Umali( ninang ng aking ate ) ay nagrekumenda sa akin na pumasok sa Dizon High kung saan  pumasok si kuya Oman nung Hayskul.

       Pero bago ako tumungtong ng hayskul ay naging sakristan muna ako nung bakasyon. Kasma ko sina Joseph Dazo( aking pinsan), Carlo Versano(si Baloy) at si Francis Maghirang ( si Pboy). Sila ang aking mga kababata. Masaya ang pagiging sakristan dahil maraming activities na ginaganap tulad ng  Christmas party, Haloween party, mga swimming, Visita Iglesia at iba pa. Sa pagiging sakristan ay kailangan mong gawin ang naka atas sayong responsibilidad. Tulad ng pagseserve o pagtulong sa pari at ang pagsama sa mahabang prusisyon.Ngunit di rin nagtagal ay nagquit na rin ako dahil kailangan kong magpokus sa pag aaral.

      Hayskul na ko, magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ang pagiging hayskul at nananabik ako dahil magkakaroon ako ng mga bagong kaklase at kaibigan.Doon din pumasok sina John Reyniel, Paulynne at Mary Grace na kaklase ko nung elementarya. Magkakahiwalay kami ng seksyon. Ako ay napasama sa seksyon A. Nakilala ko ang aming adviser na si Mrs. Juliano. Unang araw pa lang ay may nakilala na agad ako. Ito ay si Edrian Barola( ang aking naging besprend noon). Madalas kaming magtulungan sa takdang aralin at proyekto. Naglalaro din kami ng Counterstrike pagkatapos ng klase kasama ang iba pa naming kaklase. Hindi ko rin malilimutan ng hinubuan ako ni Levi(kaklase ko sa I-A) sa gitna ng oval. Napahiya ako noon kaya umiyak na lang ako. Nakilala ko rin si Krislyn Joy Cacao, ang pinaka-kaclose kong kaklaseng babae noon dahil sa pagiging mabait niya. Naroon din si Roi Vincent Guia na mukhang mayabang ngunit mabait naman. Si Mrs. Montaña ang aming guro sa Math na siyang adviser ng I-science( pinakamataas na seksyon). Nakitaan ako ni Mam Montaña ng husay sa Math kaya naisip niya na isali ako sa pagpipilian niya na ipapanlaban. Kasam rin sa pagpipilian niya si Edelito Guerra( isa pang mahusay sa Math ngunit tamad). Hindi ko akalaing mapipili ako kaya nagdesisyon si Mam na ilipat ako sa I-Science. Hindi ako makapagdesisyon dahil ang nasa isip ko ay mahirap ang maging science.

      Bago pa ako lumipat ay may kilala na ako sa Science at iyon ay si Joy Fandiño na ka team mate ko sa chess . Kilala ko na rin si Ladilyn Abrigo dahil madalas siyang ituro sa akin ni Roi. 3rd grading ay lumipat na ako sa I-Science dahil gusto kong mapabuti ang aking pag-aaral. Ginusto ko ring lumipat dahil naroon ang first crush ko ng hayskul na si Ladilyn Abrigo.Laking tuwa ko nung naging kaklase ko na sya.Ang akala ko noon ay makakapanligaw ako sa kanya  ngunit nalaman kong bawal pa pala syang magboypren.

      May mga bago akong kabarkada at iyon sina Ivan Alvaran(small but terrible), Arjay Latoza(gwapo ngunit bulok dumiskarte sa chiks),Earl William Mikhail Flores(madalas tumawa sa mga joke kong corny),Kevin Militante(madiskarte sa babae),Paul John Dorado(magaling magdota),Leo Valdez(madalas naming asarin),Wilbert Vergara(mataba at maasim) Kim Ramos( mahilig mag-gitara),Shidrex Gonzales(mahusay sa Math),Vladimir Calanasan(malaki ngunit maliit ang boses),Edward James Atienza(Iglesiang masayahin) at si Mikko De Castro( pinakamatangkad sa amin).

      Pinagreview na kami ni Mam Montaña nang Math para sa laban.Naging 4th lang kame sa written ng Mtap at ang kapartner ko ay si Shidrex.Habang nalaban kami ng oral ay hindi makapagconcentrate si Shidrex dahil naiihi na sya. Uminom kasi sya ng buko juice bago ang laban.Kaya nakamit lang naming ang 4th place sa Oral.

      Pagdating ng Recognition ay hindi ko akalaing makakasama ako sa honors. Ako ay pangwalo at naging Best in Math pa ako dahil lamang ako ng 0.01 kay Shidrex sa Math.

      Second year na ako, nananabik ulit akong makita ang mga mukha ng aking mga kaklase lalo na ng aking crush. Inaasaahn naming na may bago kaming kaklase o kabarkada ngunit sa halip na madagdagan kami ay nabawasan pa dahil lumipat na ng eskwelahan si Kim. Pero kahit nabawasan kami ay tuloy pa rin ang saya. Ang naging adviser naming ay si Ms. San Pedro na isang Biology teacher. Madalas syang magpa-contest sa subject nya at kami ay may kanya kanyang team. Ako ay kasama sa “Black Team” na kinabibilangan nina Mikko, Edward, Arjay at Kevin. Madalas kaming makulelat sa score ngunit nanalo naman kame kahit isang beses.Naging memorable din sa akin nung makapartner ko si Ladilyn sa Cariñosa sa MAPEH,at sobrang kinilig talaga ko noon.Pagdating naman sa Math ay naging mas mahusay na si Vladimir kay Shidrex kaya siya na ang kapartner ko. Nakuha naming ang 3rd place na may kasamang medal at cash prize. Dito ko unang naramdaman na masarap pa lang lumaban ng contest lalo na kapag may perang nakalaan.

      Buwan ng Enero taong 2009 ay nagkaroon kami ng field trip. Kakaunti lamang ang nakasama dahil kapos ang marami sa pambayad. Sobrang excited na ako dahil unang beses ko pa lang na makakasama ng filed trip. Hindi man nakasama si Ladilyn ay masaya pa rin ako dahil kasama naman si Piwie Rejuso,kaklase kong cute at makulit. Naging masaya ang field trip ko noon dahil sa kanya.

      Ngunit hindi ako naging mapalad noong 2nd year dahil hindi ako napabilang sa top 10. Pero kahit ganun ay handa naman akong bumawi sa susunod na pasukan.

      Pagdating naming ng 3rd year ay nagkaroon kami ng bagong kaklase, si Michelle Linatoc na dating III-Science ngunit nag repeater sa pagiging 3rd year. Nabawasan na naman ng lalaki sa amin.napalipat si Leo Valdez dahil madalas syang magcutting classes noong 2nd year at nagkaroon ng mababang marka. Ang aming adviser ay si Mrs. Quides na teacher ng geometry.Nadagdagan ng saya ang aking hayskul layf nang magkaroon kami nang bagong mga gurong kasiya siyang magturo katulad na lamang ni Sir Legaspi, ang guro naming sa Chemistry.Teacher din naming si Mam Cuasay na mukhang mataray ngunit mabait naman at si Mr.Sinen, isang mahusay na guro sa Biotech. Nakalulungkot mang isipin pero kailangan niya nang lumipat sa Science High School para maging principal. Nagkaroon na kami ng subject na Research. At dahil 3rd year na kami ay kasali na kami sa tinatawag na JS Prom. Excited na ang mga kaklase ko pati na rin ako. Maisasayaw ko na ang aking crush. Lumaban na naman kami nina Vj at Shidrex ng MTAP at naging 2nd place kami sa Oral. Madami ring naging awayan lalo na kapag nagalit si Jorgina Farouk. Sumapit na ulit ang Recognition ay napasama na ulit ako sa top 10 at ako ay pangwalo.

      Bakasyon na ulit at kailangan na naming simulan ang paggagawa ng Research project ngunit hindi naming nagawa. At dahil doon , pagtungtong naming ng 4th year ay naging mahirap para sa amin ang Research.

      Marami akong naging magandang karanasan ngayong 4th year. Kumuha ko ng UPCAT sa Los  Baños at sa awa naman ng Diyos ay nakapasa naman ako.Nagkaroon ulit kami ng field trip. Sa bus pa lang ay masaya na dahil kasama naming ang mga makukulit na 4-I at 4-F. Pagdating naman sa MOA ay dalawa na lang kami ni Mikko na magkasama. Dahil sa lawak ng MOA ay mukang naliligaw na kami pero buti na lang ay nakita kami nina Ladilyn, Danica at Piwie. Kaming lima na ang magkakasamang naggala at kumain. Pinangalan naming ang grupong ito na “Trippers”. Noong Mini-Olympics naman ay naging 2nd runner up kami sa cheerdance sa tulong ni ate Layrin.

      Nobyembre 21, 2010 ay kumuha kami ng test ng DOST sa may LSPU. Nakita ko ang isang magandang dalaga at ito pala ay pinsan ni Vladimir.Siya ay si Karen Candace Calanasan na nag-aaral sa Science High School. Naging friend ko na sya sa facebook at hindi rin nagtagal ay naging magkaibigan na kame. Madalas kaming magkausap sa telepono. At dahil sa pagiging close naming ay maraming nag aakala na  magsyota kami.

      Pebrero 13 na at lalaban na kami na kami ng MTAP.Ginawa na naming ang lahat ngunit hindi pa rin namin natalo ang Science High School. Kami ay naging 2nd place na naman. At pagkatapos ng laban ay JS na. Ang JS naming ay ginanap sa central gym kung saan ginanap ang laban naming ng MTAP. Nakasuot ng pang Hawaiian ang mga dadalo dahil Hawaiian Style ang tema ng nasabing pagdiriwang. Si Mam Montaña ang aking naging 1st dance at si Ladilyn naman ang aking last dance.

      Pagkalipas ng ilang araw ay Birthday na ni Karen. Kaarawan niya kasi ng February 16. Naisip kong regaluhan siya ng stufftoy na spongebob at sa tingin ko ay nagustuhan naman niya. Noong February 19 ay sabay kaming kumuha ng test sa LC.

      Sa ngayon, ito pa lang ang mga nangyari sa aking buhay at sa palagay ko’y marami pang pagsubok ang aking haharapin. Marami pang kabanata ng buhay ni Norlan Dazo ang kapana-panabik.Abangan.




Saturday, February 12, 2011

NicE mOvE???

My name is Norlan A. Dazo and I am a simple person  that is enjoying playing computer games. I enjoy playing with my friends and classmates during free time or when we have no classes. I also enjoy computer not only in playing but I also have a facebook account (norlan_dazo@yahoo.com). It helps me to communicate to others and search friends from all over the world. I am studying in Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School and I start my high school life being a section A in first year. I didn’t expect that I will become a Science section just because I was good in Math. Mrs. Montaña transferred me to 1-science during the 3rd grading period and I feel nervous because I thought it would be difficult to me. There are so many changes when I become 1-science like having more subjects. There’s a big change also in the class dismissal, it became 5pm instead of 3pm. As a result of that, I can’t play computer after class like I always do when I was in a regular section. But inspite of that, my TLE subject changes to computer subject and I also met Mr.Dennis Lacsam, a good teacher. They taught us how to use Microsoft excel and powerpoint . And now, I’m in 4th year, and Sir Lacsam is still our teacher in computer. For a new topic, Sir Lacsam wanted us to do or create a blog.
       
Using my gmail account (norlandazo2010@gmail.com) , I create a blog entitled “NicE mOvE!!!”. I know it’s weird how I come up with that title. That is my title because “nice move” is my favorite word. I usually say it when I did something good. I usually say it when I achieve something. And I always say it when I have the right approach in a certain situation. And also, I use this word to comment on someone’s picture on facebook to show my appreciation.I’ve heard this word, from my cousins when playing DOTA( an addictive game that has been a part of my highschool life). And now, I repeat saying it the whole time and become my favorite word. NicE mOvE!,, 

Not only saying nice move to myself, but I also want to say nice move to everyone who is trying their best in reaching their dreams. “nice move” to everyone that is doing such a good things for their love ones. Nice move to people that have faith in GOD.

NicE mOvE for visiting this blog.                           wew.


☼NicE mOvE!!!☼


        

HOW TO BE A GOOD NETIZENS?

One of the most exciting educational aspects of using the Internet lies in its ability to open the classroom to the world. Learning about different countries and cultures becomes even more meaningful when students can easily communicate with people internationally. Communication via the Internet can occur in many different ways including email and chat rooms. Although the diverse nature of topics available on the Internet can enhance the learning experience, students need to be aware of safety issues when interacting with others online.
This chapter discusses the social nature of the Internet, focusing on topics such as Internet etiquette, confidentiality, and safety. It is important for students and teachers to be informed of these issues when using the Internet for telecommunications.

Netizen comes from the word "internet" and "citizen", which means people using internet.Many people now, uses computer in studying or searching things that they want to know. You have to be a good netizen because it will lead you to success in using internet.Being a good netizens means that you are responsible enough to use the internet properly.You have to be aware in every website you go.Responsible netizens aims at helping internet users to act as citizens of the web and to protect themselves of online threats.

Everyone aspires to be a good netizen, but it’s not an easy goal to achieve. To be beatified by the gods of the net, you will need to surf graciously and illuminate every spot on the web where you are present.
To achieve such lustrous status you need to follow the ten commandments of being a good netizen.

1. Thou shall be omnipresent

Having a blog with Facebook, Twitter, Friendfeed and Flickr accounts along with some forums and 2-3 email accounts is about the norm these days. To keep all your friends and contacts happy, you will need to keep everything fresh and updated, and that requires a lot of time and effort. To simplify the task you will have to aggregate your accounts and then consolidate your email accounts into one by using mail forwarding.

2. Thou shall not trust others to protect their privacy

Whether its Google, Facebook or any other company they will not be vigilant about protecting your privacy. So the user needs to be responsible for making sure his privacy is protected by reading about any changes, checking the news, or just making sure he has the correct settings to suit their needs.

3. Thou shall be the phish that got away

While using the internet, make sure you are always aware of what you are clicking on, and where it will take you. Be skeptical of anything that comes out of Nigeria, and never believe that you won free stuff that you never registered for.

4. Thou shall be careful of what they say and who sees it

All too often, people forget that their spouse are on their Facebook account when they change their relationship status to single. They sometimes even forget they added that snitch in the office last week when they want to vent about work. Thou shall be careful with his mouth on the net and count to 10 before submitting.

5. Thou shall vent on the net… Anonymously

If you feel the need to vent on the internet, you shall do so anonymously. That way, you will not have to worry about who knows about it and what you end up saying. It is therapeutic to have a secret blog or forum to vent in.

6. Thou shall connect and reconnect

The internet is there to allow people to reach out to others, extend a hand, an ear or a buck. When reaching out, you can connect to that long lost 3rd grade friend, a fellow Henry Bogart fan or feed a famish child in the developing world. Whatever it is you want to do, it helps to establish new relationship with other netizens.

7. Thou shall not feed the troll or be one

The vilest creatures of the web shall not be fed or entertained. Trolls tend to lurk on the internet to cause mayhem and corrupt the righteous. They are the ones posting “first” on blogs, throwing ad hominema attacks and just acting stupid. They are committed to the dark side and will not dissuade from their evil. Therefore, no matter how tempted you might be to try and correct them and save them, you SHALL not. They will only grow more vicious.

8. Thou shall not believe everything they read on the net

When the balloon boy craze hit the US netizens around the world declared it to be a hoax, for they already saw the proof that Adam Savage provided that balloons can’t carry a boy. Like anything else on the net, you will need to consult other sources and scour the testaments of the Google to make sure and verify the authority of a piece of information and be wary of the wikis for they are prone to corruption.

9. Thou shall not be caught committing adultery

We all do it; we all end up using other peoples browsers and computers! So you shall be careful when you do, never save your passwords or bookmark sites, and make sure to clear your browsing history after you are done. Use web messengers instead of installed ones, and verify that you didn’t leave a trace after you are done. (We need a emotion face here, don’t we ;) )

10. Thou shall disconnect

Every once in a while you will need to disconnect yourself from the net and go into the wild. Rediscover reality and bring back all those raw thoughts back with you to the net. That will refresh you and allow you to wind down. That means not wireless connections, no blackberries, and preferably no cellphones. Role play how it feels to be a denizen from the 80′s, use a land line, wear florescent jump suites and let that mullet loose.
Do you Pledge to be a good netizen?

                                                           ☼NicE mOvE!!!☼


Responsible Netizen aims at helping Internet users to act as citizens of the web and to protect themselves of online threats


Responsible Netizen aims at helping Internet users to act as citizens of the web and to protect themselves of online threats

Responsible Netizen aims at helping Internet users to act as citizens of the web and to protect themselves of online threats


"CLASH OF THE TITANS"

Ang pelikulang ito ay tungkol sa mga Titans. Natalo ang mga Titans sa pamamagitan nina Zeus, Poseidon at Hades, matapos kumbinsihin ni Zeus si Hades na gumawa ng isang halimaw, ang Kraken. Si Zeus ang naging ruler of the heveans, Poseidon ang  king of the seas, at si hades ang namuno sa impyerno.   
  
 Isang libong taon ang lumipas, isang mangingisdang  nagngangalang Sypros ang nakakita sa lumulutang na isang sanggol at isang inang wala ng malay sa dagat. Dahil buhay pa ang sanggol ay ay nampon niya ito at itinuring na para niyang tunay na anak at binigyan ng pangalang Perseus. Ilang taong ang lumipas, lumaki ang  si Perseus. Habang namamangka kasama ang kanyang pamilya ay nakita nilang ang isang grupo ng mga sundalong sumisira sa estatwa  o rebulto ni Zeus bilang pagpapawalang- galang    at pagpapahiwatig ng hamon ng paglaban mula sa mga diyus- diyusan.
                Nagpakita si Hades at buong- pwersang inilabas ang galit sa pagsira sa mga Bangka ng mga nakasakay at dahil dito’y napadamay ang bangakang sinasakyan ng kanyang pamilya. Nalunod ang mga magulang  nito at tanging  siya lamang ang nakaligtas. Nang makita siya ng mga sundalo ay dinala siya ng mga ito sa Argos. Sa harap ni Hari Cepheus at Reyna Cassipeia sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng pakikidigma sa mga diyos.
                Ang hari ay gumagawa ng mga mayayabang na pahayag sa  kawalang-galang sa mga diyos at ang reyna naman ay pilit na ikinukupara ang babaeng anak na si Andromeda sa maganda at kahanga- hangang diyos na si Athena.
                Lubhang nagalit si Zeus na nagbigay sa impyerno ng pagkakataon upang lumitaw sa harap ng kaniyang kapatid sa bundok ng Olympus. Nakipagtalo si Hades at sinabing “ang diyos ay dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag- aalsa ng sangkatauhan” at kinumbinsi nito sa Zeus na payagang   sirain ang Argos. Lumitaw si Hades sa hukuman at pinagpapatay ang mga natitirang sundalo habang pinatanda nito ang reyna hanggang umabot sa bingit ng kamatayan. Nagbanta rin ito  na kung ang Prinsesang si Andromeda ay hindi maghahain ng pampalubog sa mga diyos sa loob ng sampung araw ay pupuksain niya ang Argos sa pamamagitan ng Kraken. Ipinakilala niya bilang isang kalahating diyos si Perseus.
Kaagad naming binalita ng diyos ng mga mensahe na si Hermes kay Zeus na nabubuhay pa ang anak nito sa Argos. Tumangging protektahin nito ang anak hanggang may matutunan siya rito.
Ikinulong ng hari si Perseus  dahil hindi nito ipinagtanggol ang Argos laban sa mga diyos. Si Io ay nagpakita kay Perseus upang ipakita at ipaalam ang tunay nitong pamilya. Nagpalit ng anyo si Zeus bilang si Acrisius upang parusahan ang bharis a pagkakaroon niya ng sariling digmaan sa mga diyos.
Matapos niya noong itapon ang kanyang mag- ina sa dagat ay nagpalit- anyo siya bilang si Acrisius  na nagtataglay ng ng kidlat na nakapagpabago sa anyo nito. Sinabi nitong hindi siya tumanda dahil sa paghahamong makipaglaban kay Poseidon. Matapos niyang  mapag- alamang ang pagpatay sa Kraken ay magpapahintulot sa kanya upang magkaroon ng kanyang paghihiganti laban kay Hades dahil sa pagkamatay ng pamilya nito. Sumang- ayon si Perseus upang ang maharap ay ang Stygian witches. Sila ay sumali sa pamamagitan ng isnag pares ng mga halimaw na mangangaso na sina Ozal at Kukuk.
Nahanap ni Hades si Acrisius at nagpakita ng kanyang plano upang  gamitin ang Kraken sa paglubog ng Argos sa gayong pagpapalakas ng kanyang  sarili at sa pagkakaroon ng paghihiganti laban kay Zeus para sa pagtataksil nito matapos ang laban ng mga Titans. Binigyan ni Hades si Calibos ng kapangyarihan upang patayin si Perseus.
Habang nasa kagubatan, natuklasan ni Perseus ang isang  tabak na imitasyon sa Olympus, pati na rin ang sagradong Ganado ni Zeus na isanglumilipad na kabayo, ang Pegasus.
                Ito ay ang mga proteksyon niya na ipinagkaloob ng mga diyos  subali tinanggihan niya rin ang magng isa sa mga diyos. Inatake ni Calibos ang grupo at pinagtangkaang patayin si Perseus subalit naputol ni Draco ang kamay nito. Ngunit ang dugo ni Calibos ay nakabuo ng isang malaking scorpion mula sa buhangin na umatakeng muli sa grupo na nagging sanhi ng maraming pagkamatay maliban kina Draco, Solon, Eusebios at Ixas.
Ang mga nakaligtas ay dahil sa mga Djinn, isang pulutong ng mga dating taong Shamans na nagging demonyo ng Arabian mythology sa pamamagitan ng kanilang  mga itim na mahika. Noong una ay walang tiwala  sina Draco sa mga ito  ngunit ito’y nagbago ng Makita nilang ginagamot ang kasamahang si Perseus n glider na si Suleiman. Sinabi ni Suleiman  na ang tanging paraan upang matulungan si Perseus ay sa pamagitan ng pagtatrabaho nila ng sama- sama. Lumahok ang Djinns a grupo  ni Perseus sa pagnanais na Makita rin ang mga diyos.
Ang mga bayani ay naglakbay  upang bisitahin ang Stygian witches at sinabi na ang solusyon ay manggagaling sa ulo ni Medusa na makakapatay sa Kraken sa pamamagitan ng pagiging bato nito  kapag lumaon. Binalaang ang grupo ni Perseus at ng mga  Djinn ay mamatay sa isang  proseso maliban kay Suleiman kaya’t kinakailangang lisanin na niya ang mga ito. Sina Ozal at Kukuk ay umalis na rin sa kadahilanang hindi sila makakalaban sa Underworld. 
Binisita ni Zeus si Perseus at inalok na kupkupin upang maprotektahan  ngunit siya’y tinanggihan. Sa kabila nito ay ibnagay dito ang  gintong drakma bilang isang paraan upang masuhulan ang Charon upang makadaan sa Sheol.
Sa labanan nina medusa, binaril ni  Gorgon si Solon at ito’y namatay. Ginawa namang bato ni Medusa si Ixas at Eusebios, sabay sinunggaban ng matapang na si Perseus sa tulong ni Suleiman na pinagpuputol  ang ilan sa mga ahas sa ulo ni Medusa. Habang si Draco ay isinakripasyo ang  kanyang sarili upang makapaninggab  si Perseus. Mula sa underworld, nakita ni Perseus   si Calibos na susunggaban si Io. Matapos an gang isang maikling duwelo ay apinatay nito ni si Calibos  gamit ang armas na nakuha niya sa Olympus. Sa huling hininga ni Calibos ay ipinakiusap nito na huwag siyang papayag upang maging isa sa mga diyos. Pinagmasdan ni Perseus ang pagiging pulbos na ginto ni Io at tumuloy sa Argos dala ang nakuha nitong ulo ni Medusa.
Sa Argos, sa pagsamba ni Hades ay kanyang inialay si Andromeda sa masamang Kraken. Sa pagpapakawala sa Kraken ay ibinunyag ni Hades  na ang pagsira ng Argos ay magbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan upang ibagsak ang iba pang mga Olympians at mapatalsik sa katungkulan si Zeus sa pamamagitan ng kanyang paghihiganti. Ibinunyag naman ni Zeus na si Perseus ay nanatiling buhay sa Argos. Bagaman nagpadala na si Hades ng masugid na tagasunod nito upang patayin si Perseus , hindi ito nagging balakid upang gawing bato ang Kraken gamit ang makapangyarihang ulo ni Medusa at mailigtas si Andromeda. Nagpakita si Hades kay Perseus ngunit wala itong magawa upang mapatay ang  Kraken. Winika ni Perseus  na si Hades ay mabubuhay ng walag hanggan ngunit hindi sa mundo ng mga tao, kaya’t ginamit niya ang armas ng Olymous na nagtapon kay Hades pagpunta sa mundo ng mga immortal at din a muling makikita pa.
Hiniling ni Andromeda kay Perseus na maging hari ng Argos dahil sa pagkakatanggol nito ngunit tumanggi ito. Inalok naming muli ni Zeus ang lugar nito sa Olympus para kay Perseus ngunit tinanggihan din niya ito. Binalaan na lamang na si Hades ay muling babalik upang   maghiganti kapag ang takot ng sangakatauhan ay muling lalakas.  Sa pagnanais na mag- isa ay pinili ni Perseus na  mabuhay sa mundo ng mga tao.   

DIZONIANS BATTLE

Taong 2045 ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ang grandstand ay napinturahan na ng iba't ibang matitingkad na kulay at mas pinataas pa ito. Ang oval naman ay nilagyan na ng bubong at ito ang nagsilbing gym para sa mga estudyante roon. Nagkaroon na rin ng mga karagdagang silid-aralan para sa 5th year.

Isang estudaynte ang nagngangalang Norman Deyzo ang nag aaral sa paaralang iyon. Siya ay isang simpleng tao, di kagwapuhan ngunit matinik sa chiks dahil na rin siguro sa pagiging mahusay nya sa Math. Nasa ika-apat na taon na siya ng hayskul pero ni minsan ay hindi nya sineryoso ang pag-ibig. Madami syang pinopormahang babae ngunit wala syang mapasagot sa mga ito.

Marami syang kaibigan sa paaralan. Ito ay sina Michael, Eddie, Cedrix, Jay at Vanz. Sa buong paaralan, kakaunti lamang silang magkakakaklase dahil sila ay nabibilang sa mataas na seksyon.

Kahit na magaling syang dumiskarte sa babae ay hindi nya magawang manligaw o pumorma kay Karelyn. Si Karelyn ay isa sa mga kaklase nyang babae. Maspag mag-aral si Karelyn kaya napapabilang sya sa mga honor students.At bukod sa matalino sya, natatngi rin ang kanyang ganda. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil bihira lang ang "matalino na, maganda pa".

Samantala, sa kalangitan, ay tinipon ng Diyos ang kanyang mga anghel upang pag-usapan ang nais nyang proyekto. Gusto nyang magkaroon ng paligsahan para sa mga higschool students. Ang bawat isang anghel ay pipili ng kanyang magiging representante mula sa mga estudyante para sa paligsahan. Simple lang ang patakaran ng laro, ang bawat estudyante na kalahok ay bibigyan ng pansamantalang kapangyarihan at sa mga matatalo sa bawat laban ay eliminated na. Magpapatuloy ang laban hanggang sa maging dalawa na lang ang kalahok.Ang mananalo sa paligsahan na ito ay mabibiyayaan ng isang hiling.

Si Norman Deyzo ay isa sa mga napili para sa paligsahan na ito. Binigyan sya ng pansamantalang kapangyarihan na gagamitin nya sa laban. Nagagawa nya nang gawing bolang apoy ang kanyang mga scratch paper sa Math. Si Michael naman ay may abilidad na gawing dinamita ang chalk. Ang kapangyarihan naman ni Eddie ay gawing meteorite ang isang bato. Marami pang naiibang abilidad ang naibigay sa mga piling magaaral.Kasali rin ang ibang paaralan sa nasabing paligsahan.

Tatlong araw bago magsimula ang labanan ay nagkaroon ng aksidente kabilang si Norman at Karelyn. Sila ay nahulog  sa patibong kung saan pumunta sila sa kakaibang dimensyon. Mahirap makalabas sa dimensyong ito dahil ito isang napakalaking labyrinth. Lumipas ang isang buwan ay naging matatag pa rin ang dalawa. Dito na rin nasubok ang kanilang pagmamahalan. Habang sila ay naroon, nakikipaglaban na ang kanilang mga kaklase.

Tatlong araw ang nakalipas ay nakalabas na rin ang dalawa. Nakita nila na wasak wasak na ang Dizon High. Nakita rin nila ang nag iisa nang kalahok na syang tumalo sa kanyang mga kaklase.Naging kabado si Norman dahil ito ang unang beses nyang pakikipaglaban. Bugbog sarado na sya ngunit hindi pa rin sya sumusuko. Sa katunayan, isa rin sa mga napili si Karelyn, pero hindi nya alam gamitin ang kanyang kapangyarihan. Siya ay may abilidad na gawing  metal spikes ang damo. Pero dahil matalino sya , ginawa nyang metal spikes ang damo sa oval kung saan nakatayo ang kalaban. Hindi na nakabangon ang kalaban kaya nanalo ang dalawa.

At dahil sila ang nagwagi, mabibiyayaan sila ng isang hiling. Hiniling ng dalawa na maibalik sa dating ganda ang kanilang paaralan, ang Dizon High.